Skip to main content

TRUE LOVE FIRST KISS

"Ano Drea nagtext na ba sayo?" Iling lang ang tanging nasagot ko kay Sierra.
Ika-tatlong taong anibersaryo namin ng boyfriend kong si Jude pero hanggang ngayon wala pa rin akong natatanggap na tawag o text na galing sa kanya. Dati rati, pagtungtong palang ng alas dose ng hating gabi ng ika-labing siyam ng hulyo binabati na niya agad ako pero ngayon matatapos nalang ang araw wala pa rin akong natatanggap na kahit text galing sa kanya.
"Sabi ko naman kasi sayo may iba na yun. Ikaw lang naman tong si Tanga umaasa pa rin. Alam mo Drea pare-pareho lang ang mga lalaki. Manloloko."     Ani ni Mitsy habang naglalagay ng kolerete sa mukha.
"Yan ka na naman Mitsy, eh. Imbes na pagaanin mo ang nararamdaman ng kaibigan natin ginagatungan mo pa." Ani ni Sierra.
"Bakit sa mga sinabi mo ba gumagaan ang pakiramdam ni Drea? Alam mo Sierra pinapaasa mo lang yung tao. Bakit hindi nalang natin tanggapin ang katotohanan na may iba na ang hudyo na yun." Hindi ko binigyang pansin ang hinala ni Mitsy noon. May tiwala ako kay Jude pero hanggang kailan ba ako magtitiwala kung tatlong linggo na itong hindi nagpapakita at nagpaparamdam sa akin.
"Tama nang iniemote-emote mo diyan. Ang mabuti pa sumama ka nalang sa akin magbabar tayo nang may makita kang ipalit mo diyan sa Jude mo." Ani ni Mitsy.
"Napakabad influence mo talaga." Ani ni Sierra.
"Ako bad influence? No! No! Girl sometimes you need to loosen up. Hindi lagi trabaho aatupagin mo. You know,  you only live once kaya let's enjoy it. Sumama ka nalang din para masaya. The more. The Merrier." Ani ni Mitsy.
"No, thanks." Ani ni Sierra bago lumabas ng kwarto namin.
"So, ano sama ka?" Nanlumo ako nang muli akong mapatingin sa phone ko. No  sign of him.
Magkahalong amoy ng alak at sigarilyo ang bumungad sa amin ni Mitsy pagkapasok namin sa Barista. May mangilang-ngilan kaming nadadaanan na nagmamake-out sa gilid. Napailing na lamang ako people nowadays ay hindi na nahihiyang gawin ang bagay na yan sa mga public places.
"Good evening beautiful ladies! What can I do for you?" Bati sa amin ng bartender.
"2 scotch please." Ani ni Mitsy.
Habang hinihintay ang order namin napatingin ako sa dance floor na sana hindi ko nalang ginawa. I saw him dancing and kissing other girl na kinulang sa tela ang suot.
Tama nga si Mitsy na niloloko ako Jude at ako tong si tanga umaasa pa rin.
"Here's your or- woah!" Kinuha ko agad ang dalawang baso na hawak ng bartender at sunod-sunod ko itong ininum.
"Isa pa. Isa pang bote ng tequila." Nagdalawang isip pa ang bartender pero nang panlisikan ko ng mata agad naman itong sumunod.
"Hey! Drea, are you okey? Ininum mo pa yung akin." Ani ni Mitsy.
"Don't worry I ordered 1 bottle of tequila mas okey yun kaysa sa scotch." Gusto kong maglasing. Gusto kong makalimutan ang sakit kahit ngayon lang.
"Here's your order beautiful ladies." Agad akong nagsalin ng tequila sa baso ko at dire-diretsong ininum. Magsasalin na sana ulit ako ng pigilan ni Mitsy ang kamay ko.
"Hey! Drea, may problema ba?" Nag-unahan sa pagtulo ang aking mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Naramdaman ko nalang na niyakap niya ako.
"Iiyak mo lang yan. Wala namang pakialam ang mga taong dito." Sa sinabi niya lalo akong napapahagulhol.
"Mitsy, tama ka. Niloloko nga ako ni Jide. Kitang-kita ng dalawang mata ko na may kahalikan siyang ibang babae."
"Teka, saan mo na kita? Nandito ba sila? Sabihin mo nang makitim sa akin ang hudyo na yun." Nanggagalaiti niyang sabi.
"Wag na. Hayaan mo na sila. Karma na ang bahalang maningil sa kanya." Nag-iwan ako ng pera sa bar counter, bayad sa ininom namin pagkatapos hinila ko na agad si Mitsy palabas baka makita pa niya sina Jude magkakaeskandalo pa.
First boyfriend, first love ko si Jude at sa halos tatlong taon naming magkasama pinaramdam niya sa akin kung gaano niya ako kamahal pero ang lahat may hangganan, may katapusan. Siguro nagsawa na siya sa akin kaya naghanap siya ng iba pero sana nakipagbreak muna siya sa akin hindi yung pinagmukha niya akong tanga sa kakahitay sa kanya.

Tatlong buwan na ang nakaraan magmula nong makita ko si Jude, tuluyan na nga niya akong hindi kinuntak. Hindi naman sa umaasa pa rin akong kukuntakin niya. Ang akin lang ganun-ganun nalang ba, wala man lang closure. At some point, hindi na naman pala kailangan sapat na ang nakita ko no'n at ang hindi niya pagkontak sa akin. Ginugol ko nalang ang sarili ko sa trabaho nang hindi ko maalala ang sakit na dulot ng kahapon.
"Drea, sama ka sa amin mamaya. Nag-ayang magbar ang kambal birthday daw nila." Ani ni Mitsy.
"Sige. Wala din naman akong gagawin." Napagdesisyon ka na ding sumama sa mga gimik ng mga katrabaho't kaibigan ko. Lagi ngang sinasabi ni Mitsy "You Only Live Once kaya let's enjoy it.
"Dapat lang tatlong buwan mo ding pinapatay ang sarili mo sa kakatrabaho kaya dapat mag-enjoy ka din." Ani ni Mitsy.

"Mabuti't napapayag ka nitong si Mitsy na sumama ngayong gabi." Ani ni Mark, isa sa kambal na may birthday.
"Cheers! Dahil kompleto tayo." Ani ni Marianne.
"Cheers!" Sabay naming sabi.
"Late na ata ako." Sabay kaming napatingin sa bagong dating. Isang lalaki na kahit madilim klarong-klaro pa rin ang kagwapuhan. Tila may nagkakarerahang kabayo sa loob ng puso ko at naging slowmo ang paligid nang mapadako ang tingin niya sa akin.
"Kiel, si Drea pala kaibigan namin. Drea, si Kiel naging tropa na rin namin." Pakilala ni Mark sa amin.
"Nice to meet you Drea." Napatingin ako  sa kamay niyang nakalahad sa harap ko.
"Nice to meet you too." Inabot ko ang kamay niya at nakipagshakehands. Tila may kuryenteng dumaloy sa kamay ko nang maglapat ang aming mga palad.
"Dito ka na maupo sa tabi ni Drea Kiel nang magkakilalanlan kayo." Ani ni Mark na may halong panunukso pero ako lang ata ang nakapansin parang wala lang kasi si Kiel na umupo sa tabi ko at kumuha ng isang bote ng beer.
Kung gwapo siya sa malayo mas gwapo pa pala siya malapitan. Kahit nakadim lights klarong-klaro ko pa rin ang mapupungay niyang mata, ang ilong niyang napakatangos, ang labi niyang mapupula at ang pisngi niyang singkinis ng pwet ng baby.

"Drea, tara sayaw tayo. Ikaw lang mag-isa rito." Ani ni Mitsy.
"Kayo nalang. Dito nalang ako." Parehong kaliwa ang paa ko baka magkalat pa ako sa dance floor. Nakakahiya.
"Sasamahan ko nalang si Drea dito Mitsy pagod na din naman akong sumayaw." Ani ni Kiel na kakagaling lang sa dance floor.
"Sige, ikaw na bahala kay Drea pero no monkey business Kiel huh. Malalagot ka sa akin." Natawa ako sa pagbabanta ni Mitsy, pautal-utal na ito dahil sa kalasingan.
"Grabe ka naman Mitsy. Harmless ako." Ani ni Kiel.
"Halika na Mitsy kanina ka pa hinihintay ni Marianne. Bro, ikaw na bahala diyan." Hinila na ni Mark si Mitsy papunta sa dance floor.
"Hi!" Ani ni Kiel.
"Hello!" Natawa nalang kami pareho. Kanina pa kami rito, ngayon lang nagbatian, to think na nagpakilala na kami sa isa't-isa. Lasing na talaga.
"I don't know how to start a conversation with you mukha ka kasing masungit." Ani niya.
"Marami nang nagsabi sa akin niyan pero hindi naman ako masungit. Mabait kaya ako."
"Sabi ko nga. Anyway, bakit ngayon ka lang sumama sa gimik ng mga kaibigan mo?" Ani niya.
"Busy kasi ako. Ngayon lang ako nagkatime na sumama sa kanila atsaka pa birthday nong kambal baka isumpa nila ako paghindi ako sumama." Natatawa kong sabi.
"Ikaw, paano mo sila nakilala?" Patuloy ko.
"Lagi akong gumigimik mag-isa kung saan gumigimik tong mga kaibigan mo. Naawa sa akin kaya sinama na nila ako hanggang sa ito kapag may gimik tinatawagan na nila ako." Napatango nalang ako sabay inum ng beer.

"Salamat sa paghatid Kiel at pasensiya napalayo patuloy ka." Paghingi ko ng paumanhin. Nagpresenta kasi si Kiel na ihatid kami ni Mitsy sa tinutuluyan naming boarding house.
"Wala yun. Ang importante nakauwi kayo ng iligtas. Oh sige, mauna na ako." Ani niya.
"Sige. Salamat ulit at mag-ingat ka." Sinaluduhan niya muna ako bago pumasok sa kotse niya.

Nagising ako nang magring ang phone ko. Sinagot ko agad nang hindi tiningnan kung sino ang tumatawag.
"Hello. Sino to?" Papikit-pikit kong sagot.
"Nagising ba kita? Pasensiya na." Hindi ko pamilyar ang boses niya kaya tiningnan ko ang screen ng phone ko. Number lang. Sino kaya to?
"Sino po sila?"
"Si Kiel to. Pasensiya nagising ata kita." Agad akong napabangon sa kama at napaayos ng upo. Biglang nagising ang lahat ng kalamnan ko.
Si Kiel tumatawag. Omg! Okey. I'm acting like a teenager.
"Hindi naman. Saan mo pala nakuha ang number ko?" Wala naman akong naalala na binigay ko ang number ko sa kanya.
"Hiningi ko kay Mitsy. Pasensiya na." Sakto namang pumasok si Mitsy na malapad ang ngiti.
"Ayos lang. Ano ka ba? Bakit ka pala napatawag?" Pinagtaasan ko ng kilay ang ngiting-ngiting si Mitsy.
"May ime-meet kasi akong client mamaya malapit sa building niyo around 11am. Since lunch time iimbetahan sana kitang maglunch kung ayos lang sayo." Ani niya.
"Ayos lang walang problema. So, paano kita nalang tayo mamaya." Nagtatalon-talon ako sa kama nang maibaba ko ang tawag. Para akong teenager na inaya ng date ni crush.
"May pataas-taas ka pa ng kilay sa akin kanina. Kilig na kilig ka naman pala." Hindi ko pinansin ang pang-iirap ni Mitsy.

"Thank you Drea for accepting my invitation." Ani niya.
"Wala yun. Ano ka ba. Ako nga tong dapat magpasalamat nilibre mo ako ng lunch." Pabiro kong sabi.
Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kamay kong nakapatong sa lamesa. Kukunin ko na sana ang kamay ko nang hinigpitan niya ang pagkakahawak dito.
"Hindi lang itong simpleng libre Drea. For me it is a date not a friendly date but like an in relationship date. Drea, I like you, no, I love you. You know hindi kapani-paniwala dahil nitong mga nakaraang buwan lang tayo nagkakilala pero I do believe in Love at first sight. Drea, alam ko ang pinagdaanan mo nitong mga nakaraan but please give me a chance ipaparamdam ko sayo kung gaano kita kamahal at handa akong maghintay kung kailan kang handang magmahal muli basta hayaan mo lang akong mahalin kita." Ani niya.
Nakatitig lang ako sa mga mata niya at kitang-kita ko na seryosong-seryoso siya sa mga sinasabi niya. Wala akong makuhang maski isang salita sa kaibuturan ko. I'm speechless about his confession.
Kahit crush na crush ko siya at anim na buwan na ang nakaraan magbuhat nong wala na kami ni Jude. Hindi pa rin akong handang magmahal.

Sa loob ng labing isang buwan tinutuo nga ni Kiel ang sinabi niya noon na ipapadama niya sa akin kung gaano niya ako kamahal at sa mga buwan na yun unting-unti na akong nahuhulog sa kanya. Hatid-sundo niya ako sa trabaho at lagi niya akong binibisita sa boarding house. Sinasamahan niya rin ako sa tuwing dadalawin ko ang mga magulang at kapatid ko sa probinsiya. Minsan naman sinasama niya ako sa bahay ng mga magulang niya at botong-boto pa nga sila sa relasyon namin kahit hindi pa naman kami.
"Kita mo ang mga bituin na yan? Sa dami nila mapapagod at susuko ka nalang sa pagbibilang." Napatingin ako sa kanya. Hindi ko makuha ang gusto niyang iparating kaya minabuti ko nalang na hindi magsalita.
"Pero ako, kahit kailan hindi ako susuko at mapapagod na ipadama sayo na mahal kita at handa akong maghintay kahit kailan mo ako mamahalin." Ani niya habang nakahawak sa mga kamay ko.

"Drea, kailan mo sasagutin si Kiel? Mukhang mahal na mahal ka naman niya talaga. Tingnan mo umabot ng isang taon ang panliligaw niya sayo. Aba girl iilan nalang ang lalaking ganyan sa mundo ngayon." Ani ni Mitsy.
Napag-isip-isip ko na sasagutin ko na si Kiel. Napatunayan ko na sa sarili ko na mahal ko na siya at hindi ko kayang mawala pa siya sa akin. Eksaktong ika-isang taon ngayon nang magkakilala kami. Kahit hindi siya magtanong sasagutin ko na agad.
"Mga girl, may nakalap akong impormasyon. Narinig kong sabi ni kambal sa tropa." Sinabi ni Marianne sa amin ang narinig niya mula sa kakambal niya.
"Ayun girl, narinig natin si Marianne. Tara salon, magpapaganda tayo ng husto para kay loverboy." Ani ni Mitsy.

Hi! Love, let's have a date. I'll fetch you at 7pm.
Love,
Kiel
Basa ko sa card na nakaipit sa bulaklak na pinadala ni Kiel.
"Ang sweet naman. Sana makapatagpo din ako ng katulad ni Kiel." Ani ni Marianne.
"Wala ka nang makikitang katulad ni Kiel dahil nag-iisa lang siya." 
"Love, hindi na pala kita masusundo. Kita nalang tayo sa BluJazz Restaurant same time. I love you." Text niya.
Nalungkot ako pero agad ding napawi. Magkikita pa din naman kami at sisiguraduhin kong maging memorable ang gabing to.

Maaga ng tatlongpung minuto akong dumating sa BluJazz Restaurant. Nag-alilangan akong pumasok. Madilim at walang katao-tao sa loob maliban sa mga staff na naglilinis.
"Ma'am, kayo po ba si Miss Drea Sandoval? Sa loob na po tayo." Tumango lang ako at nagpatangay sa staff papasok ng restaurant.
Laking gulat ko nang makita ang loob ng BluJazz Restautant. Lahat ng nakikita ko ay puro sky blue, favorite color ko. Mula sa carpet, mesa, upuan, mga ilaw at sa hugis puso na may picture namin na magkasama na nakasabit sa manipis na lubid na siyang nagpakumpleto sa dream proposal ko.
Proposal? Wedding proposal? Ito ba ang hinanda ni Kiel para sa akin? Hindi ko mapigilang hindi mapaiyak sa tuwa. Kiel really love me and so do I.
Naputol ang pag-momoment ko nang biglang bumukas ang pinto ng restaurant. Nakatayo dun si Mark na hingal na hingal at basa ng pawis ang suot niyang long sleeve. Nang magtama ang aming mata agad siyang lumapit sa akin at hinila ako palabas ng restaurant.
"Ano bang ginagawa mo Mark? Padating na si Kiel baka isipin niyang hindi ko siya sinipot." Walang anu-ano'y pinasok niya ako sa kotse niya at dali-dali siyang pumasok sa driver seat.
Nagsimula akong kabahan nang wala akong makuhang sagot mula kay Mark. Hindi ko alam pero may hindi magandang mangyayari.
"Mark, ano ba ibalik mo ako dun. Hinihintay na ako ni Kiel." Mas lalong binilisan ni Mark ang pagdadrive. Mas dumoble ang kaba ko nang hindi huminto si Mark nang magred light. Mabuti't walang traffic enforcer ang nakakita sa amin.
Ano ba talagang nangyari?
Itinigil ni Mark ang kotse sa harap ng St. Jude Hospital. Anong ginagawa namin dito?
"Tara, bilisan mo baka hindi na natin siya maabutan." Hindi ko naintindihan ang sinabi ni Mark gayun pa man nagpahila nalang ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa emergency room.
Nagulat ako nang makita ko si Tita Esmeralda at bigla akong niyakap habang umiiyak.
"Pupuntahan ka na sana ni Kiel nang masagaan siya ng truck. Ayun sa mga pulis lasing ang driver-" Hindi ko na nasundan pa ang sinasabi ni Mark. Ang tumatak lang sa utak ko ay nasagasaan si Kiel. Agad nag-unahan sa pagtulo ang aking mga luha. Kung kanina tears of joy, ngayon naman tears of sorrow.
"Sino sa inyo si Drea?" Ani ni doktor na siyang kakalabas lang ng emergency room.
"Ako po." Agad akong lumapit sa doktor.
"Hija, hinahanap ka ng pasyente. Hindi na-" Hindi ko na tinapos ang ang sinasabi ng doktor agad akong pumasok ng Er.
Lumapit agad ako kay Kiel na nakahiga sa bed na duguan.
"Kiel, love nandito na ako. Lumaban ka naman, oh. Diba tatanungin mo pa ako na maging girlfriend mo." Hindi ko napigilan ang sunod-sunod na pagtulo ng luha ko. Ang sakit makita ang mahal mong nahihirapan sa kalagayan niya.
Pinilit niyang inaabot ang mukha kaya ako na ang nagdala ng kamay niya sa mukha ko.
"Mahal na mahal kita, Drea. Can you be my girlfriend?" Kahit nahihirapan na siyang magsalita pinilit pa rin niyang tinatanong sa akin ang matagal na niyang gustong itanong sa akin.
"Yes, Love kaya lumaban ka. Diba sabi mo hindi ka susuko?" Pilit siyang ngumiti kahit kitang-kita sa kanya na nasasaktan at nahihirapan na siya.
"Thank you love. Can you kiss me for the first time and maybe the last." Ani niya.
Walang pag-alinlangang hinalikan ko siya sa labi.
This is our first kiss.
Napahagulhol nalang ako nang marinig ko ang nakakabinging tunog.
And definitely the last.
The End

Copyright 2018

Comments

Popular posts from this blog

THE FACE BEHIND THAT THICK GLASSES

Hera Magdayo. Labing pitong taong gulang at kasaluluyang nag-aaral sa isang prestihiyosong akademya sa lalagiwan ng Cebu bilang isang iskolar. Dalawa nalang sila ng nanay niya na magkasama sa buhay magmula no'ng iniwan sila ng tatay nito. Pangarap ni Hera na makapagtapos ng pag-aaral upang makahanap ng magandang trabaho at maiahon sa hirap ang buhay nilang mag-ina. "Nand'yan na si Nerdy Boy!" Sigaw nang isa nilang kaklase. Dali-dali namang nilang inihanda ang mga nilikot na papel na ibabato nila kay Lyle pagkapasok na pagkasok na nito. Sa isang tabi pinanood lang ni Hera ang mga kaklase sa ginagawa nilang pambabato kay Lyle. Gusto sana niyang tulungan si Lyle dahil naawa na siya rito   pero hindi siya makatayo sa kinauupuan niya nang pinanglakihan siya ng mata ng kapatid niya sa ama. Si Stella Garciano, ang pasimuno sa pambu-bully ng mga estudyante rito sa akademya. Hangga't maaari ayaw niyang magkagulo sila ni Stella alang-alang sa huling hiling ng kanilang

HANGGANG

"DAYA!Si Elle na naman ang nakasalo ng bouquet."   Napangiti nalang ako sa pagmamaktol ni Keshia sa isang tabi. Ako nga pala si Gabrielle Santos.Elle for short. Dalawangpu't walong taong gulang at nagtatrabaho sa di masyadong kalakihang accounting firm dito sa cebu. Kasalukuyan akong nandito sa kasal ng isa sa mga katrabaho't kaibigan ko. At ito nga ako ang nakasalo ng bouquet ng bride na siyang dahilan kung bakit nagmamaktol si Keshia. Hindi ko naman intensyon na saluhin tong bulaklak, kusa nalang umangat ang kamay ko para saluhin ito. Instinct kun baga. "Ayaw kong ako ang huling ikakasal atin eh."   Napatawa nalang ako ng tahimik ng makita kong nakanguso si Keshia sa kinauupuan namin. Pinaupo muna kasi kami ng host, ihahagis na ng groom yung garter, means yung mga lalaki na naman ang tatayo sa gitna tulad ng ginawa namin kanina. "Naniniwala ka na naman sa ganyang kasabihan. Eh, hindi naman yun totoo. Hindi pa naman kasal si Elle na lag

PAMILYA PRIMERA

"Guys, are you sure na rito tayo magpapalipas ng gabi? It's creepy. I'm sure maraming ghost dito." Maarteng sambit ni Precious habang may hawak itong flashlight at nilibot ng tingin ang buong sala ng bahay. "Kung ayaw mo rito mag-isa ka sa labas 'wag kang hihingi ng tulong amin kapag tinangay ka ng hangin sa sobrang payat mo." Inis na sambit ni Rica. "Tama na 'yang bangayan n'yong dalawa dito na tayo magpapalipas ng gabi hanggang sa tumila ang malakas na ulan." sambit ni Allan at sinidihan ang lampara na nakita niya. Manghang-mangha ang magkakaibigan sa nakikita na unti-unting kumakalat ang liwanag sa kabahayan. Maliit tingnan ang bahay sa labas pero napakalawak sa loob. Maayos at malinis ang lahat ng gamitan, animo'y may regular na naglilinis dito pero wala naman dahil walang ng pumupunta sa lugar 'to. "Sigurado ba kayo wala talagang naninirahan dito? Baka makasuhan tayo ng tresspassing nito." sambit ni Dexte