Skip to main content

THE FACE BEHIND THAT THICK GLASSES

Hera Magdayo. Labing pitong taong gulang at kasaluluyang nag-aaral sa isang prestihiyosong akademya sa lalagiwan ng Cebu bilang isang iskolar. Dalawa nalang sila ng nanay niya na magkasama sa buhay magmula no'ng iniwan sila ng tatay nito. Pangarap ni Hera na makapagtapos ng pag-aaral upang makahanap ng magandang trabaho at maiahon sa hirap ang buhay nilang mag-ina.
"Nand'yan na si Nerdy Boy!" Sigaw nang isa nilang kaklase. Dali-dali namang nilang inihanda ang mga nilikot na papel na ibabato nila kay Lyle pagkapasok na pagkasok na nito.
Sa isang tabi pinanood lang ni Hera ang mga kaklase sa ginagawa nilang pambabato kay Lyle. Gusto sana niyang tulungan si Lyle dahil naawa na siya rito   pero hindi siya makatayo sa kinauupuan niya nang pinanglakihan siya ng mata ng kapatid niya sa ama. Si Stella Garciano, ang pasimuno sa pambu-bully ng mga estudyante rito sa akademya. Hangga't maaari ayaw niyang magkagulo sila ni Stella alang-alang sa huling hiling ng kanilang ama bago ito pumanaw.
Mag-aalasais na ng gabi at wala ng mga estudyanteng nagtatakbuhan sa gitna ng hallway at wala na ring nagtsitsismisan sa tabi-tabi. Tanging takong ng sapatos nalang ni Hera ang maririnig mo habang naglalakad sa  hallway. Bago pa siya tuluyang pumanaog ng hagdan nalingonan niya ang silid sa dulo ng hallway na pinagbabawal pasukin. Sabi ng dating janitor na nagtatrabaho rito may nagmumulto raw rito. Isang estudyanteng babae na umano'y ginahasa at pinatay rito limang taon na ang nakaraan.
May kung anong nagtulak kay Hera na puntuhan ang silid na yun. Hindi niya namalayan na nakatayo na pala siya harap ng pinto.
"Paano ako napunta rito?," Ani ni Hera.
Nagsitayuan ang balahibo ni Hera nang may narinig siyang umiiyak at humingi ng tulong mula sa loob ng silid.
"Tulong! Tulong!" Tatakbo na sana siya nang muli niyang marinig ang nasa loob.
"Teka, akala ko ba babae ang nagmumulto rito? Bakit boses lalaki ang naririnig ko?," Sa isip ni Hera.
Inilapit ni Hera ang kanyang tenga sa pinto nang mapakinggan niya ng mabuti ang nasa loob.
"Walang makakarinig sayo rito kahit magsisigaw ka ng magsisigaw diyan," Ani ng isang lalaki mula sa loob na sinundan pa ng tawa.
"Parang awa niyo na. Tama na. Wala akong kasalanan sa inyo."
"Pare, parang bakla naman ang isang to. Ano tapusin na natin to?," Ani ng isa pang lalaki. Bali tatlo silang nasa loob ng pinagbabawal na silid.
Nagulat si Hera sa narinig. Gusto niyang tulungan kung sino man yung nasa loob.
"Pero papano?" Sa isip niya.
Nagtingin-tingin siya sa paligid kung may magagamit ba siya para matulungan yung nasa loob hanggang sa mapadako ang mata niya sa bag niya.
Biglang may nagpop-up na idea sa utak niya. Kinalkal niya ang bag niya at kinuha ang polbo, lipstick at flashlight. Naglagay siya ng maraming polbo sa mukha, naglagay rin siya ng lipsticks sa gilid ng labiat mata at para makumpleto ang plano ginulo niya ang buhok at uniporme niya.
"Mukha na ako yung estudyanteng nagmumulto.," Ani niya habang nakatingin sa maliit niyang salamin.
Nang matapos  i-check ni Hera ang sarili dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at pumasok. Hindi naman siya namalayan ng dalawang lalaki dahil nakatalikod ang mga ito sa gawi niya. Nanlalaki ang mata ng lalaking nabugbog nang makita si Hera na unti-unting lumalapit sa gawi nila.
"Oh! Anong nangyari sayo? Nakita muna ang multo?" Natatawang sabi ng isang lalaki.
"Naniwala ka sa sabi-sabi, walang multo. Hoy!," Patuloy nong lalaki.
Dahang-dahan lumapit si Hera at hinawakan ang likod ng dalawang lalaki.
Natigilan ang dalawang lalaking nambugbog nang maramdaman nilang may malamig na kamay na nakapatong sa balikat nilang dalawa.
Sabay silang dalawa na lumingon sa likod.
"Multo!," Sigaw ng dalawa sabay takbo palabas ng silid. Hindi na nila napansin na nabangga nila ang multo kuno sa sobrang takot.
Pagkawala ng dalawa linapitan Hera ang lalaking nabugbog. Tila namang takot-takot yung lalaki habang papalapit sa kanya si Hera.
"Wag kang lalapit. Maawa ka sa akin, multo," Napataas ang kilay ni Hera nang maaninagan niya ang mukha ng lalaki. Hindi pa nakontento inilawan pa niya ito gamit ang flashlight niya.
"Lyle?" Ani ni Hera.
"Huh? Kilala mo ako? Teka, anong ginagawa mo? Bitawan mo ako, multo." Ani ni Lyle. Inakay ni Hera patayo si Lyle at inilagay ang isang braso nito sa balikat niya bilang suporta.
"Wag kang malikot kung ayaw mong bitawan kita at malugmok ka uli diyan sa sahig, and one more thing, hindi ako multo." ani ni Hera.
"Kaya mo bang maglakad kasi hindi ko kayang buhatin ka. Aalalayan nalang kita hanggang sa may gate." Segunda niya. Tumango naman si Lyle at dahan-dahan silang lumabas ng silid.
Isang linggo na ang nakaraan magmula ang insidenteng yun. Nahuli na ang nambugbog kay Lyle at umamin ang dalawa lalaki na binayaran sila upang bugbugin si Lyle. Napag-alaman na ang dalawang lalaki ay mga bagong utility workers ng akademiya.
"Paano yan Stella nahuli sina Jeric, baka ilaglag nila tayo." Napatigil sa paglalakad si Hera sa hallway nang may narinig siyang nag-uusap mula sa nadaanang silid.
"Oras na ilaglag nila tayo, malalagot ang pamilya nila," ani ni Stella.
Hindi makapaniwala si Hera sa narinig.
Hindi na niya inakala na aabot sa sukdulan ang pambubully ng kanyang kapatid.
"Bakit ang init ng dugo mo kay Lyle, wala naman siyang ginagawang masama sayo," ani ni Jaz, isa sa alipores ni Stella.
Humugot ng malalim na hininga si Stella bago nagsalita.
"Dahil ginawa niya rin sa akin ito noon," ani ni Stella na siyang ikinabigla ni Hera mula sa labas ng silid.
Hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Stella. Ibang-iba ang Lyle na kilala niya sa Lyle na tinutukoy ni Stella na nanakit sa kanya noon.
Umalis nalang si Hera sa lugar na yun at hindi na kinumpronta pa si Stella sa sinabi nito. Naniniwala siyang hindi magagawang manakit ni Lyle lalo na kung babae.
Nagpunta si Hera sa garden ng akademiya. Dito siya naglalagi sa tuwing gusto niyang mag-aral o mapag-isa. Napakaganda ng simoy ng hangin at napakaaliwalas tingnan dahil sa iba't-ibang klase at kulay ng mga bulaklak. Mangilan-ngilan lang ang mga estudyanteng pumaparito kaya medyo tahimik ang paligid.
"Hi." Napalingon si Hera nang may nagsalita sa kanyang likuran at laking gulat niya ng makita si Lyle na nakangiti sa kanya.
Tila naman bumilis ang tibok ng puso ni Hera nang makita si Lyle. Sinundan niya ito ng tingin hanggang maupo si Lyle sa tabi niya.
Bakas pa rin ang mga pasa sa mukha ni Lyle pero hindi pa rin nabawasan ang kagwapuhan nito sa likod ng kanyang malalaking eyeglasses. Sa isip ni Hera.
"Salamat pala sa pagligtas mo sa akin no'ng gabing yun, Hera," ani ni Lyle na siyang kinabigla ni Hera.
"Paano mong nalaman na ako yung tumulong sa'yo no'ng gabing yun?," Ani ni Hera. Napaisip  siya, paanong nalaman o nakilala siya ni Lyle kung no'ng gabing yun ay nakadisguised siya bilang multo.
"Sinabi mo yung pangalan mo no'ng ayaw tayong tulungan ng gwardya makakuha ng taxi dahil natakot sa ayos mo," nagpipigil ng tawang ani ni Lyle. Napasimangot naman si Hera.
"Oo nga pala, ba't nandito ka at nakauniporme pa? Pinayagan ka na bang pumasok ng doktor mo?" Pag-iiba ni Hera ng usapan nang hindi na mahalungkat pa ang masalimoot na karanasan no'ng gabing yun.
"Oo. Maayos na naman ang pakiramdam ko maliban lang sa mga pasa na ito," ani ni Lyle sabay turo sa mukha niya.
"Atsaka marami na akong na miss na mga lessons palapit pa naman ang exams natin." Pagpatuloy ni Lyle.
Nagkwentuhan lang sina Hera at Lyle tungkol sa kanilang buhay habang hinihintay ang oras ng susunod nilang klase. Magaan ang loob ni Hera habang magkausap sila ni Lyle. Mabait at kwela itong kausap kaya hindi lubos maisip ni Hera ang narinig niya kanina galing kay Stella.
"Kaya lang no'ng nasa grade school pa ako may isang tao na naniniwalang ako ang nambubully sa kanya," ani ni Lyle. Agad namang nakuha ang atensyon ni Hera sa sinabi ni Lyle.
"Nagkataon lang na sa tuwing may mangyari sa kanya nandun ako nakatingin lang sa kanya at wala sa bokabolaryo ko ang mambully ng kapwa estudyante." Pagpatuloy ni Lyle.
Naniniwala si Hera kay Lyle, sa ugali din ba ng kapatid niya siguradong maraming galit rito.
Magkasamang pumasok sina Hera at Lyle sa sunod nilang klase. Halos lahat ng mga estudyanteng nadadaanan nako, ay napapatingin sa kanila at nagbubulungan. Hindi pinansin ni Hera ang mga bulong-bulungan at tuloy-tuloy lang itong naglakad hanggang makarating sila sa harap ng pinto ng classroom nila.
Biglang tumigil at gumilid si Lyle para paunahin si Hera na pumasok. Sa isip ni Lyle, ayaw na niyang madamay pa si Hera sa pambubully sa kanya.
"Anong ginagawa mo? Tara na't baka maabutan pa tayo ni Mrs. Santiago rito," ani ni Hera.
"Mauna ka na," ani ni Lyle.
"Hindi sabay tayo. Alam ko naman na yang iniisip mo. 'Wag kang mag-alala ayos lang ako," ani ni Hera .
Sabay ngang pumasok ang dalawa na siyang ikinagulat ng lahat ng mga ka-klase nila lalong-lalo na si Stella na binigyan ng isang matalim na tingin si Hera. Sinundan nalang sila ng tingin ng mga ka-klase hanggang sa kanilang upuan.
Maya-maya'y dumating na ang kanilang guro na si Mrs. Santiago.
"Good morning, class! Balita ko malapit na ang prom night niyo. May mga ka-date na ba kayo?" ani ni Mrs. Santiago.
Lahat ng mga ka-klase nina Hera at Lyle ay excited na excited sa gaganaping prom night. Yung iba pinagmamalaki ang mga ka-date nila. Yung iba naman nagpapayabangan ng kanilang mga gown na susuotin.
"Psst. Hera, pupunta ka ba sa prom night?," ani ni Lyle kay Hera na katabi lang niya.
"Hindi, eh. Wala akong pambili o pangrenta lang ng gown atsaka hindi naman ako mahilig sa ganyan," ani ni Hera.
Magsasalita pa sana si Lyle nang magsalita muli ang kanilang guro.
"That's enough, class. Remember before the prom night is your exam week. So, let's start our discussion, ani ni Mrs. Santiago.
Sa mga nakalipas na araw naging mas malapit sa isa't-isa sina Hera at Lyle at unti-unti rin nilang nakikila ang bawat isa. Sa mga araw ding yun unti-unti ring nahuhulog si Hera kay Lyle. Kahit anong tanggi niya sa kanyang sarili, hindi maipagkakaila na sa tuwing magkasama sila ni Lyle ay bumibilis ang tibok ng puso niya.
"Kain na muna tayo. Nakakagutom magreview," ani ni Lyle.
Kasalukuyang nagrereview sina Hera at Lyle sa kanilang tambayan para sa susunod na exam.
Tahimik lang na kumakain ang dalawa nang biglang dumating si Stella na nakapamewang kasama ang dalawa nitong alipores.
"Ang aga niyo namang nagdate, bukas pa ang prom night, ah," ani ni Stella.
Itinago ni Lyle si Hera sa likod niya. Ayaw niyang madamay si Hera sa galit ni Stella sa kanya.
"Wow! Feeling knight in shinning armour ka na pala ngayon. No'ng dati si Hera pa ang nagligtas sa'yo dun sa nambugbog sa'yo na inutusan ko," ani ni Stella.
Gulat ang rumerihistro sa mukha ni Lyle. Hindi niya inakala na aabot si Stella sa ganoon. Iwinaksi ni Lyle ang pagkagulat at hinarap muli si Stella.
"Pwede ba Stella tigilan mo na ako. Wala naman akong ginagawang masama sa'yo. Alam kong alam mo nang hindi ako ang nanakit sa'yo noon," ani ni Lyle.
Nagulat si Hera sa inakto ni Lyle. Hindi niya inakala na may ganoong side si Lyle.
Natigilan naman si Stella sa sinabi ni Lyle. Matagal na niyang alam na hindi talaga si Lyle ang nanakit sa kanya noon.
"Stella, tigilan mo na to. Alam mong hindi magugustuhan ni tatay ang pinagagawa mo," ani ni Hera.
Napalingon sa kanya si Lyle at bahagya itong lumayo sa kanya. Nasaktan naman si Hera sa ginawa ni Lyle.
"Kapatid mo siya?," ani ni Lyle.
Tumango si Hera habang pinipigilan ang mga nagbabadya niyang luha. Napailing lang si Lyle at kinuha ang mga gamit niya. Umalis ito na walang paalam.
Tatlong araw na ang nakaraan nang huling nagkita sina Hera at Lyle. Hindi rin ito nagpakita sa huling araw ng exam nila. Ang sabi ng guro nila nagtake ng special exam si Lyle dahil pinapasusunod na ito ng magulang niya sa canada.
Habang pauwi si Hera may isang maitim na van nahumarang sa harap niya. Lumabas mula ron si Stella kasabay ng tatlong naglalakihang lalaki na nakamaskara na itim.
"Ano to Stella?," ani ni Hera.
"Isakay niyo na yan," ani ni Stella dun sa tatlong lalaki. Hindi namalayan ni Hera ang isang lalaki na pumunta sa likod niya at tinakpan ang ilong niya ng panyo na may halong kemikal na pampatulog.
"I'm sorry, dear sister," ani ni Stella bago ipasok sa van si Hera.
Flashback:
Nagpunta si Stella sa bahay ni Lyle para humingi ng tawad. Pinagsisisihan na niya ang lahat ng pambabastos, panghihiya at pananakit na ginawa niya kay Lyle at maging sa kapatid niya na naisipan niyang idamay sa galit niya kay Lyle.
"Pababa na po si young master," ani ng mayordoma nina Lyle. Manghang-mangha si Stella habang nililibot ng tingin ang kabuohan ng bahay nina Lyle.
"Anong ginagawa mo rito?," ani ng isang baritonong boses. Agad napalingon si Stella sa hagdanan kung saan nang galing ang boses na yun at laking gulat niya na makita si Lyle na walang suot na malaking glasses at braces. Messy hair, white tshirt at nakaragged jeans.
"Done checking me?," ani ni Lyle. Nabalik naman si Stella sa reyalidad.
"Naparito ako para humingi ng tawad sa lahat ng ginawa ko sayo," ani ni Stella habang nakayuko.
Bigla namang may naisip si Lyle.
"Papatawarin kita sa isang condisyon," ani ni Lyle.
End of flashback:
Nagising si Hera sa isang maganda at malaking kwarto at nakasuot siya ng isang kulay dilaw na gown katulad ng kay Belle sa Beauty and the Beast.
"Kaninong kwarto to at bakit nakasuot ako ng gown? Sa pagkaalala ko kinidnap ako ni," ani ni Hera.
Biglang bumukas ang pinto at iniluwa si  Stella na nakasuot ng gown din.
"Stella?," ani ni Hera.
"Hera, patawarin mo ako. Alam kong malaki ang pagkukulang ko sayo bilang ate mo at binigo ko si papa. Sana hindi pa huli ang lahat. Sana bigyan mo ako ng pagkakataon na maging ate mo," ani ni Stella habang umiiyak.
Lumapit si Hera kay Stella at niyakap niya ito. Kahit hindi pa humingi ng tawad si Stella matagal na siyang pinatawad ni Hera.
"Ate," ani ni Hera.
"Tama na nga itong drama natin. Masisira ang make up natin," ani ni Stella.
"Kaninong bahay pala to?," ani ni Hera.
"Mauuna na ako sa baba sis. Sumunod ka nalang after 3 minutes. Bye sis. Mwah, mwah," ani ni Stella sabay beso kay Hera.
Naiwan namang walang si Hera sa nangyayari. Gaya ng sabi ni Stella after 3 minutes lumabas si Hera ng kwarto. Bumungad sa kanya ang napakalaking staircase.
Dahan-dahan siyang bumababa na parang isang prinsesa. Sa dulo ng hagdan may isang lalaking nakapunti. Hula ni Hera ay isa itong butler dahil sa porma nito.
Giniya si Hera ng butler papunta sa garden. Nanlaki naman ang mata niya nang makita ang mga stolen shots niya simula nang mag-aral siya sa akademya na nakasabit sa isang manipis na lubid na nakahilira papunta sa gitna ng garden.
"Anong ibig sabihin nito?," sa isip niya.
"Hanggang dito nalang po ako. Have a good night," ani ng butler.
Naiwan si Hera na nakatayo sa gitna at manghang-mangha sa nakikita niya sa paligid.
"I'm glad you're here," agad napalingon si Hera nang may nagsalita sa likod niya. Napakunot ang noo niya nang hindi niya makilala ang lalaki.
"Sino ka?," ani ni Hera.
"Hindi mo ako nakilala? Ako to si Lyle," ani ni Lyle.
"Lyle? As in Lyle Domingo?," ani ni Hera.
"The one and only. Aray! Ba't mo ako binatukan?" Hawak-hawak ni Lyle ang ulong binatukan ni Hera.
"Bakit bigla kang nawala? Alam mo bang pinag-alala mo ako na bigla kang nawala lalo na sa pinakita mong reaksyon no'ng nalaman mong magkapatid kami ni Stella at sinong may sabi sa'yong ibahin mo ang itsura mo? Nagpagwapo ka pa," ani ni Hera.
Natawa nalang si Lyle sa walang prenong pagsasalita ni Hera. Hinahawakan ni Lyle ang dalawang kamay ni Hera at pinakatitigan niya ito.
"Pasensiya na at umalis ako ng walang paalam sa'yo. No'ng araw na yun na bigla lang ako at kaya hindi mo ako nakita ng mga ilang araw ay dahil pinapunta ako ng Daddy ko sa canada," ani ni Lyle.
"Eh, bakit ka nag-iba ng mukha?," ani ni Hera.
"Hindi ako nag-iba. Ito talaga ang totoo kong hitsura. Yung big eyeglasses at braces ay disguised ko lang yun para walang lumapit na ibang babae sa akin. Alam mo na sa gwapo kong to habulin ng- aray!" Nakatikim na naman ng batok si Lyle kay Hera.
"Eh, yung mga stolen picture ko? Ipaliwanag mo," ani ni Hera.
"First year palang tayo nakuha mo na agad ang atensyon ko. Maraming lumalapit sa'yong may mga hitsurang lalaki pero hindi mo pinapansin. Malamang kapag lumapit ako hindi mo rin ako papansin, gwapo ko, eh." Hinawakan ni Lyle ng mabuti ang kamay ni Hera para hindi siya mabatukan.
"'Wag mo akong babatukan. Nakakarami ka na. Itutuloy ko ang kwento, ayun nagdisguised ako para makalapit sa'yo pero hindi naman nangyari dahil dumating si Stella at binully ako kaya hindi nalang kita nilapitan upang hindi ka madamay at pinanindigan ko nalang ang pagiging nerd," ani ni Lyle.
Hindi makapaniwala si Hera sa rebelasyon ni Lyle at napayakap nalang siya rito. Hindi niya lubos maisip na gusto din siya ng gusto niya.
"Hey! Tama na ang lambingan niyo diyan may pupuntahan pa tayong prom night," singit ni Stella.
Napabitaw naman silang dalawa at nagkatinginan.
"Can you be my prom date?," ani ni Lyle.
The End
Copyright 2018


Comments

Popular posts from this blog

HANGGANG

"DAYA!Si Elle na naman ang nakasalo ng bouquet."   Napangiti nalang ako sa pagmamaktol ni Keshia sa isang tabi. Ako nga pala si Gabrielle Santos.Elle for short. Dalawangpu't walong taong gulang at nagtatrabaho sa di masyadong kalakihang accounting firm dito sa cebu. Kasalukuyan akong nandito sa kasal ng isa sa mga katrabaho't kaibigan ko. At ito nga ako ang nakasalo ng bouquet ng bride na siyang dahilan kung bakit nagmamaktol si Keshia. Hindi ko naman intensyon na saluhin tong bulaklak, kusa nalang umangat ang kamay ko para saluhin ito. Instinct kun baga. "Ayaw kong ako ang huling ikakasal atin eh."   Napatawa nalang ako ng tahimik ng makita kong nakanguso si Keshia sa kinauupuan namin. Pinaupo muna kasi kami ng host, ihahagis na ng groom yung garter, means yung mga lalaki na naman ang tatayo sa gitna tulad ng ginawa namin kanina. "Naniniwala ka na naman sa ganyang kasabihan. Eh, hindi naman yun totoo. Hindi pa naman kasal si Elle na lag

PAMILYA PRIMERA

"Guys, are you sure na rito tayo magpapalipas ng gabi? It's creepy. I'm sure maraming ghost dito." Maarteng sambit ni Precious habang may hawak itong flashlight at nilibot ng tingin ang buong sala ng bahay. "Kung ayaw mo rito mag-isa ka sa labas 'wag kang hihingi ng tulong amin kapag tinangay ka ng hangin sa sobrang payat mo." Inis na sambit ni Rica. "Tama na 'yang bangayan n'yong dalawa dito na tayo magpapalipas ng gabi hanggang sa tumila ang malakas na ulan." sambit ni Allan at sinidihan ang lampara na nakita niya. Manghang-mangha ang magkakaibigan sa nakikita na unti-unting kumakalat ang liwanag sa kabahayan. Maliit tingnan ang bahay sa labas pero napakalawak sa loob. Maayos at malinis ang lahat ng gamitan, animo'y may regular na naglilinis dito pero wala naman dahil walang ng pumupunta sa lugar 'to. "Sigurado ba kayo wala talagang naninirahan dito? Baka makasuhan tayo ng tresspassing nito." sambit ni Dexte