"Ano Drea nagtext na ba sayo?" Iling lang ang tanging nasagot ko kay Sierra. Ika-tatlong taong anibersaryo namin ng boyfriend kong si Jude pero hanggang ngayon wala pa rin akong natatanggap na tawag o text na galing sa kanya. Dati rati, pagtungtong palang ng alas dose ng hating gabi ng ika-labing siyam ng hulyo binabati na niya agad ako pero ngayon matatapos nalang ang araw wala pa rin akong natatanggap na kahit text galing sa kanya. "Sabi ko naman kasi sayo may iba na yun. Ikaw lang naman tong si Tanga umaasa pa rin. Alam mo Drea pare-pareho lang ang mga lalaki. Manloloko." Ani ni Mitsy habang naglalagay ng kolerete sa mukha. "Yan ka na naman Mitsy, eh. Imbes na pagaanin mo ang nararamdaman ng kaibigan natin ginagatungan mo pa." Ani ni Sierra. "Bakit sa mga sinabi mo ba gumagaan ang pakiramdam ni Drea? Alam mo Sierra pinapaasa mo lang yung tao. Bakit hindi nalang natin tanggapin ang katotohanan na may iba na ang hudyo na yun." Hind