Skip to main content

HANGGANG



"DAYA!Si Elle na naman ang nakasalo ng bouquet." Napangiti nalang ako sa pagmamaktol ni Keshia sa isang tabi.
Ako nga pala si Gabrielle Santos.Elle for short. Dalawangpu't walong taong gulang at nagtatrabaho sa di masyadong kalakihang accounting firm dito sa cebu.
Kasalukuyan akong nandito sa kasal ng isa sa mga katrabaho't kaibigan ko. At ito nga ako ang nakasalo ng bouquet ng bride na siyang dahilan kung bakit nagmamaktol si Keshia.
Hindi ko naman intensyon na saluhin tong bulaklak, kusa nalang umangat ang kamay ko para saluhin ito. Instinct kun baga.
"Ayaw kong ako ang huling ikakasal atin eh." Napatawa nalang ako ng tahimik ng makita kong nakanguso si Keshia sa kinauupuan namin.
Pinaupo muna kasi kami ng host, ihahagis na ng groom yung garter, means yung mga lalaki na naman ang tatayo sa gitna tulad ng ginawa namin kanina.
"Naniniwala ka na naman sa ganyang kasabihan. Eh, hindi naman yun totoo. Hindi pa naman kasal si Elle na laging nakakasalo ng mga bulaklak ng mga kaibigan nating kinakasal, ni wala ngang boyfriend yan. No offence Elle huh. Nagsasabi lang ako ng totoo." Ningitian ko lang si Jessy na siyang nag-aalo kay Keshia na ngayo'y parang nahihimasmasan.
"Ano ba kayo okey lang noh. Kung gusto sayo nalang to.Hindi ko naman to kailangan." Akmang iaabot ko na kay Keshia ang bulaklak ng tinulak niya ito sa akin.
"Naku! Hindi na Elle, papakasalan na din naman ako ni David 2 months from now. Gusto ko lang makuha kanina para sabihin nila na ako ang susunod na ikakasal. Hahaha." Akala ko pa naman gustong-gusto niya talagang makuha tong bulaklak, yun pala gusto niya nalang masabihan ng mga tao na siya ang susunod na ikakasal.
At ikakasal na pala ang bruha 2 months from now, kung makapagdrama kanina may pa ayaw kong ako ang huling maikasal sa atin pa siyang nalalaman.
"Bruha ka! Pinapagaan ko pa ang loob mo yun pala isa yung malaking scam." Akmang sasabunutan ni Jessy si Keshia ng pigilan ko siya.
"Maghulos-dili ka Jessy, nandito tayo sa kasal ni Mimi." Kakahiya kung dito talaga magrarambulan tong dalawa to, baka itakwil kami ni Mimi bilang kaibigan niya.
"Hehehe. Sorry na bruha." Saad ni Keshia at nagpeace sign pa kay Jessy na uminum ng softdrinks.
"Nga pala Elle, i-keep mo na lang yang bulaklak malay mo ito na yung huling pagkakataon na makakasalo ka ng ganyan at sa susunod ikaw naman ang maghahagis ng ganyan sa araw ng kasal mo." Baling naman ni Keshia sa akin na nagniningning ang mga mata.
"Kaya bruha, pumili ka na sa mga manliligaw mo." Sabat naman ni Jessy.
Napaisip ako sa sinabi ni Jessy 'kaya bruha, pumili ka na sa mga manliligaw mo.' Marami nga akong manliligaw--pero wala man isa sa kanila ang nakapagpabilis ng tibok ng puso ko.
He always makes my heart beats fast. My Styles Shoaf.
It's been 3 years since that night happen.
Alam kong kasalanan ko kung bakit kami umabot sa ganito. I always taken him for granted.
Kung maibabalik ko lang sana ang nakaraan.
Flashback: 3 years ago...
"Sis, halika ipapakilala kita sa brother ko at sa mga friends niya." Hinila ako ni Hannah papunta sa mesa kung nasaan ang kuya at mga kaibigan nito.
Wedding anniversary ng mga magulang ni Hannah at nandito ako bilang representative ng mga magulang ko. Hindi kasi makakadalo dahil may out of town convention sila.
"Hey! Brother and friends, I would like you to meet my friend Elle." Pakilala ni Hannah sa akin
"Nice to meet you, Elle. I'm Charles and this is Liam and Styles my friends." Nakipagkamay sa akin sina Charles at Liam. Si Styles deadma lang.
"Elle, may kasama ka ba? Kung wala dito ka nalang maupo sa table namin. Alam mo na puro oldies ang nandito maliban sa ating lima."
"Actually, mag-isa lang ako at kakadating ko pa lang."
"Well, that's good. Dito ka na maupo sa tabi ni Styles." Tumayo si Charles at pinaghila ako ng upuan sa tabi ni Styles.
Ang gentleman ni Styles *note the sarcastic* siya tong katabi ko eh noh! Tapos tumayo pa si Charles sa upuan niya para ipaghila ako ng upuan.
The party went good kahit papano nag-enjoy naman ako sa company nina Charles at nag-uusap na rin kami ni Styles.
Hindi naman pala deadma tong si Styles, tahimik at seryoso lang talaga siya buhay dahil sa sobrang kakulitan ko kanina, ayun napadaldal na wala sa oras.
"Dito nalang Styles. Salamat sa paghatid." Saad ko sa kanya bago bumababa ng kotse niya.
"Walang anuman. Sige mauna na ako. Text-text nalang." Nagpalitan kami ng number kanina sa party para daw sakaling mabored siya itetext niya ako.
*****
Tatlong buwan na ang nakalipas mula ng nagkakilala at nakatext-text kami ni Styles. Minsan inaaya din niya akong kumain sa labas, mapabreakfast, lunch at dinner.
"Anong meron at inaya mo ako dito sa mamahaling restaurant na to? At take note tayo lang dalawa ang nandito." Inaya niya akong magdinner at ito nga dinala niya ako sa mamahaling restaurant na ito, na kaming dalawa lang ata ang kakain dito.
"I rented this place just for the two of us." Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon, isa lang ang alam ko na sobrang lakas ng tibok ng puso ko.
Mayamaya'y biglang may nagplay ng music.
"May I have this dance?" Nakayuko ang kalahating katawan niya sa harap ko habang nakalahad ang isang kamay niya.
Magiliw ko namang tinanggap yun saka tumayo. Nilagay niya ang dalawang kamay ko sa leeg niya at siya naman ay nakahawak sa bewang ko habang pasway-sway kami.
"Elle, alam kong masyado mabilis--pero sa dalawang buwan na tayo'y magkakilala at sa araw-araw na ika'y katext at katawagan unti-unting nahuhulog ang loob ko sayo." Wala akong masabi. Is he confessing?
"You don't have to say anything, gusto ko lang sabihin sayo ang nararamdan ko at gusto ko din sabihin sayo na simula ngayon liligawan kita."
"NO." Halatang nagulat siya sa sinabi ko, di kalaunan ay napalitan ng lungkot ang kanyang mga mata at yumuko.
Kahit ako ay nagulat sa sinabi ko. Wala ngang akong nasabi sa pagtatapat niya tapos bigla-bigla nalang lumabas yun sa bibig ko.
"No--I mean hindi muna dapat ako ligawan pa, sinasagot na kita." Hindi naman ligaw ang pinapatagal kundi ang relasyon.
"YES! Thank you. Hindi ka magsisisi na sinagot mo ako." At niyakap niya ako.
Hindi naman niya direktang sinabi sa akin na 'mahal kita' pero nararamdaman ko yun sa tuwing magkasama kami.
Ako? I like him, yes--pero di pa ako sure kung mahal ko ba siya.
*****
"Happy 7th monthsary, hon! I love you." Then he kissed me in my lips.
"Happy Monthsary, Hon. I love you."
It's our 7th monthsary and now nasasabihan na namin ang isa't-isa ng mahal kita.
Hindi ko inakala na aabot kami ng 7 months. Magkaiba kasi kami ng trip sa buhay. Lalo ngayon na mas seryoso at medyo nagiging possessive na rin siya.
*****
"Hon, gagabi ako. Wag mo na akong hintayin huh."
"Bakit ka gagabihin?Sinong kasama mo? Wag mong sabihing mga kaibigan mo na naman ang mga kasama mo. Sinasabi ko sayo--" Pinutol ko ang sinasabi niya nagsisimula na naman kasi siyang ma-praning.
Ewan ko ba dito kay Styles ang init ng dugo sa mga kaibigan ko, ni hindi pa nga niya ito namemeet in person.
"Hon, wag ka ngang praning si Mitsy ang kasama ko okey atsaka mag-oovertime kami, ineexpect ni Mrs. De Guzman ang report na to bukas ng umaga. Sige na pinapatawag na kami ni Mitsy." Hindi ko na hinintay ang sagot niya at pinatay ko na ang tawag.
"So, ano tara na." Masigla kong sabi sa mga kaibigan ko na naghihintay sa akin sa labas ng bar.
*****
"Bilib na talaga ako sayo Elle akalain mong nauto mo yung asawa mo... Isang Jack Daniels." Naupo sa tabi ko si Sassy sabay tingin dun sa dance floor.
"Excuse me, hindi ko asawa yun noh! Magkasama lang kami sa iisang bubong pero di kami mag-asawa atsaka wala siyang pakialam kung anong gusto kong gawin." Nasasakal na ako minsan sa relasyon namin ni Styles lagi nalang siyang nasusunod.
Yan ang gawin mo, wag yan.
Ito ang kainin to masustansiya to. Wag yan puro cholestrol yan.
Wag kang magshort kapag lumabas ka ng bahay. Magjeans ka.
Wag kang laging magheheels nakakalaki yan binti.
Ilan lang yan sa mga gusto niyang ipasunod sa akin.
At ang pinakamalala...
'Iwasan mo na yang mga kaibigan mo, masama silang impluwensiya sayo.'
Hindi ako bali para iwasan ang mga kaibigan ko na nagpapasaya sa akin kaya nakapagsinungaling ako sa kanya.
"Tara Sassy, sayaw tayo ang ganda ng music oh." Hinila ko si Sassy papunta sa dance floor at nagsayaw kami habang nakataas ang kamay namin na may hawak na alak.
*****
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at sinirado ulit ng makapasok na ako. Hindi na ako nag-abalang buksan ang ilaw at nagtip-toe akong naglakad papuntang hagdan para di magising si Styles.
Nakaisang hakbang na ako ng biglang bumukas ang ilaw at nakita ko si Styles nakatayo sa gilid ng pinto habang nakahawak sa switch ng ilaw.
I'm dead.
"Saan ka galing? Akala ko ba nag-overtime kayo ni Mitsy?" Malamig na tingin ang ginawad niya sa akin.
"Oo. Nag-overtime nga kami at kakauwi ko lang." Kinakabahan kong sagot--pero hindi ko pinapahalata sa kanya na kinakabahan ako.
"Sinong niloloko mo? Pumunta ako sa opisina niyo at napang-abot kami ni Mrs. De Guzman dun sabi niya wala siyang pinagawa sa inyo ni Mitsy at maaga ka pang umalis kanina."
"Alam mo na naman pala eh, bakit tinatanong mo pa ako." Di ko napigilan hindi tumaas ang boses ko, pinagmukha niya akong tanga.
"Di mo naman kailangang magsinungaling sa akin Elle, kung may pupuntahan ka ang akin lang sabihan mo ako kung saan ka pupunta para di ako mag-alala."
"Gusto mong malaman kung saan ako nagpunta at kung bakit ako nagsinungaling?
Hindi ko na siya hinintay'ng sumagot, dire-diretso lang ako sa pagsasalita.
...Pumunta ako sa mga kaibigan ko kaya ako nagsinungaling dahil alam kong hindi mo ako papayagan. Styles, nasasakal na ako. Sinunod ko lahat ng gusto mo, kahit di ko gusto pinilit magustuhan--pero ang iwasan ang mga kaibigan ko ibang usapan na yun." Nasabi ko na rin ang matagal ko ng kinikimkim.
"Nasasakal? Kung yan ang tingin mo sa ginagawa ko wala akong magagawa. Ang akin lang ay mapabuti ka... Wag kang mag-alala hindi mo na mararamdaman yang nasasakal ka... Sige magpahinga ka na." Pagkatapos niyang sabihin yun ay lumabas siya ng bahay habang ako ay nagtungo na sa aming kwarto.
*****
Nagising ako na wala na siya sa tabi ko. Hindi ko muna pinansin na wala akong nadatnang Styles sa tabi ko at pumasok ako ng banyo para gawin ang morning rituals ko.
Pagkatapos kong maligo dumiretso ako sa maliit na mesa kung saan nakalagay yung mga suklay, pampaganda at iba pang maliliit na gamit namin ni Styles. Kukunin ko na sana ang blower ng may nalaglag na tinuping papel.
Pinulot ko at binuklat ng makita ko ang pangalan ko na nakasulat sa ibabaw ng papel.


Elle,
Alam kong sa paggising mo nakaalis na ako. I'm sorry, hindi ko alam na naiparamdam ko na pala sayo na nasasakal ka na.Mahal lang talaga kita at gusto kong mapabuti ka kaya ko nagawa mga yun.
Napakabilis ng mga nangyari sa atin, wala pa nga tayong isang taon na magkakilala--pero hindi naman sukatan kung maikli o matagal tayong magkakilala kung puso na ang gumagana.
Umalis ako hindi dahil sa hindi kita mahal. Mahal na mahal kita Elle, gusto kong bigyan ang mga sarili natin ng panahon, panahon na hanapin ang mga sarili natin at gawin ang gusto nating gawin na hindi magkasama.

Kung sakaling sa pagbalik ko may mahal ka ng iba, tatanggapin ko. Siguro nga hindi tayo ang para sa isa't-isa.
Hanggang dito nalang.
Styles
Hindi ko namalayan napaluha na pala ako habang binabasa ang sulat ni Styles.
Umalis na si Styles. Iniwan na niya ako.
*****
Tatlong araw na ang nakaraan mula ng umalis si Styles.
Talagang tinotoo niya ang sinasabi sa sulat.
Kasalukuyan akong nanununood ng tv ngayon. Ilang gabi na rin akong walang ganang gumala at bar mula nong umalis si Styles. Nandito lang ako sa bahay namin kung sakaling bumalik siya.
*BREAKING NEWS:
Niraid ang isang bar sa Casuntingan. Ayun sa isang source ang Hermag bar ay tinatambayan ng mga drug users at ginagawang drug dean--*
Napatayo ako ng makita ko ang nasa balita.
Yun yung bar na lagi naming pinupuntahan. Hindi ko inakaala na isa pala yung drug dean. Wala naman kasi akong nararamdamang kakaiba sa lugar na yun.
*Kasama sa mga na dakip ang may-ari ng bar na si Jameson Moldovan at mga kaibigan nito na siyang nagtutulak ng droga.*
Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang kaibigan ko na dinadakip ng mga pulis.
Nanlumo akong naupo sa sofa habang pinapanuod ang nasa tv.
Tama si Styles. Hindi sila nakakabuti sa akin. Kapakanan ko lang ang iniisip niya.
I'm sorry Styles.
End of Flashback:
Doon ko lang narealize na na mahal niya talaga ako ng sobra na noo'y hindi ko pinaniwalaan.
Kaya hanggang ngayon naghihintay pa rin ako sa kanya kahit hindi ako sigurado kong babalik pa ba siya.
"Bruha! Kanina ka pa tinatawag nong emcee oh!" Napabalik ako sa reyalidad ng siniko ako ni Jessy.
"Miss Elle, Kanina ka pa hinintay ng soon-to-be husband mo."
Napatayo ako at pumunta sa harapan tapos na palang ihagis ng groom yung garter hindi ko man lang napasin.
Habang papalapit ako sa harapan nakita ko ang MC na nakangiti sa akin ng wagas, sa tabi niya nakatayo ang isang nakatalikod na lalaki.
Ito siguro yung nakasalo nong garter.
Nang malapit na ako sa kanila kinabahan ako bigla parang may mangyayari.
"Maupo ka dito Miss Elle." Pinaupo ako nong MC sa upuan na nakaserve para sa akin.
"Mister, pwede mo ng isuot sa kanya yung garter." Lumingon yung lalaki at ganun nalang ang panlalaki ng mata ko ng mapang-sino ko ang lalaking nasa harapan ko.
"S-Styles." Maluha-luhang sambit ko sa kanyang pangalan.
"Hi!" Bigla ko nalang siyang niyakap. How I miss this guy.
"Styles, I'm sorry saka ko lang narealize na lahat ng ginawa mo noon ay para sa kapakanan ko at sobra akong nagsisisi sa pambabaliwa ko sayo.
Styles, hanggang ngayon ikaw pa rin, ikaw pa rin ang mahal ko." Ito na ang matagal kong gustong sabihin kay Styles kahit ako sigurado kung ako pa ba ang mahal niya o may mahal na siyang iba.
"Elle." Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at dumistansya siya akin.
Napayuko nalang ako sa ginawa niya. Siguro nga huli na ako. Huli na para sa aming dalawa.
Gusto ko ng umalis sa kinatatayuan ko--pero hindi ko maikilos ang paa ko, para itong nakapako sa sahig.
"Naalala mo pa ba yung kinakanta ko sayo noon? Siguro hindi mo na maalala yun, wala ka namang pakialam nun." Hindi yun totoo. Tandang-tanda ko pa yung kinanta niya yung 1st monthsary namin.
~Hanggang may puso akong marunong magmahal
Na ang sinisigaw ay lagi ng ikaw
Hanggang saan hanggang kailan
Hanggang kailan kita mahal
Hanggang ang buhay ko'y
Kunin ng may kapal~ kinanta ko yung pinakagusto kong part ng kantan Hanggang ni Wency Cornejo na siyang kinanta ni Styles sa akin noon.
"Naalala mo?" Tumango ako. This time siya naman ang yumakap sa akin.
"Katulad ng sabi sa kantang yan 'hanggang may pag-ibig laging isisigaw tanging ikaw', Elle, hanggang ngayon ikaw pa rin ang mahal ko at wala ng iba."
Nagtatakaka ako na bigla nalang lumuhod si Styles sa harap at parang may kinuha siya sa likod niya.
"Pare, aagawin ko muna sandali ang moment niyong mag-asawa." Tumango-tango naman yung groom with matching thumbs up pa, si Mimi naman nakangiti lang.
"Elle, alam kong mabilis, I mean mahilig naman tayo sa mabilisan." Napatawa yung mga bisita sa pinagsasabi nitong si Styles.
"Tatlong taon ko ng pinaghahandaan tong mangyari--pero hanggang ngayon kinakabahan pa rin ako." Nagpakawala mo na siya ng buntong hininga bago nagpatuloy sa kanyang sasabihin.
"Gabrielle Santos, will you spend the rest your life with me?" Binuksan niya ang maliit na kahon na hawak niya at bumungad sa akin ang isang napakagandang singsing.
Buong akala ko na hindi na darating ang panahon na to. Yung akala ko'y kapag nagkita kami ulit ni Styles ay bibigyan na namin ng closure yung nangyari sa amin noon, kahit umasa ako na babalik siya akin--pero inakala na ganito, na magpoprose siya akin kaagad.
"YES Styles. I will."

The End

Copyright 2017



Comments

Popular posts from this blog

THE FACE BEHIND THAT THICK GLASSES

Hera Magdayo. Labing pitong taong gulang at kasaluluyang nag-aaral sa isang prestihiyosong akademya sa lalagiwan ng Cebu bilang isang iskolar. Dalawa nalang sila ng nanay niya na magkasama sa buhay magmula no'ng iniwan sila ng tatay nito. Pangarap ni Hera na makapagtapos ng pag-aaral upang makahanap ng magandang trabaho at maiahon sa hirap ang buhay nilang mag-ina. "Nand'yan na si Nerdy Boy!" Sigaw nang isa nilang kaklase. Dali-dali namang nilang inihanda ang mga nilikot na papel na ibabato nila kay Lyle pagkapasok na pagkasok na nito. Sa isang tabi pinanood lang ni Hera ang mga kaklase sa ginagawa nilang pambabato kay Lyle. Gusto sana niyang tulungan si Lyle dahil naawa na siya rito   pero hindi siya makatayo sa kinauupuan niya nang pinanglakihan siya ng mata ng kapatid niya sa ama. Si Stella Garciano, ang pasimuno sa pambu-bully ng mga estudyante rito sa akademya. Hangga't maaari ayaw niyang magkagulo sila ni Stella alang-alang sa huling hiling ng kanilang

PAMILYA PRIMERA

"Guys, are you sure na rito tayo magpapalipas ng gabi? It's creepy. I'm sure maraming ghost dito." Maarteng sambit ni Precious habang may hawak itong flashlight at nilibot ng tingin ang buong sala ng bahay. "Kung ayaw mo rito mag-isa ka sa labas 'wag kang hihingi ng tulong amin kapag tinangay ka ng hangin sa sobrang payat mo." Inis na sambit ni Rica. "Tama na 'yang bangayan n'yong dalawa dito na tayo magpapalipas ng gabi hanggang sa tumila ang malakas na ulan." sambit ni Allan at sinidihan ang lampara na nakita niya. Manghang-mangha ang magkakaibigan sa nakikita na unti-unting kumakalat ang liwanag sa kabahayan. Maliit tingnan ang bahay sa labas pero napakalawak sa loob. Maayos at malinis ang lahat ng gamitan, animo'y may regular na naglilinis dito pero wala naman dahil walang ng pumupunta sa lugar 'to. "Sigurado ba kayo wala talagang naninirahan dito? Baka makasuhan tayo ng tresspassing nito." sambit ni Dexte