Skip to main content

PAMILYA PRIMERA

"Guys, are you sure na rito tayo magpapalipas ng gabi? It's creepy. I'm sure maraming ghost dito." Maarteng sambit ni Precious habang may hawak itong flashlight at nilibot ng tingin ang buong sala ng bahay.

"Kung ayaw mo rito mag-isa ka sa labas 'wag kang hihingi ng tulong amin kapag tinangay ka ng hangin sa sobrang payat mo." Inis na sambit ni Rica.

"Tama na 'yang bangayan n'yong dalawa dito na tayo magpapalipas ng gabi hanggang sa tumila ang malakas na ulan." sambit ni Allan at sinidihan ang lampara na nakita niya.

Manghang-mangha ang magkakaibigan sa nakikita na unti-unting kumakalat ang liwanag sa kabahayan. Maliit tingnan ang bahay sa labas pero napakalawak sa loob. Maayos at malinis ang lahat ng gamitan, animo'y may regular na naglilinis dito pero wala naman dahil walang ng pumupunta sa lugar 'to.

"Sigurado ba kayo wala talagang naninirahan dito? Baka makasuhan tayo ng tresspassing nito." sambit ni Dexter.

"Ang sabi sa bayan dati may naninirahang pamilya rito 18 years ago. Napaka-aloof daw ng pamilyang 'yon kaya napili nilang manirahan dito sa gitna ng gubat. Minsan lang daw nila makita ang mga ito tuwing magsisimba lang daw. Hanggang isang araw nabalitaan na lang nila na wala na ang mga ito. May nakapagsabi rin na baka pinatay ang mga ito dahil nandito pa raw ang mga gamit ng mga mag-anak. At simula ng mawala sila lahat ng pumasok dito sa gubat ay hindi na nakakalabas pa." Pagkukwento ni Rica.

"OMG! I'm scared. Bakit ngayon mo lang sinabi hindi na sana tayo tumuloy rito. Allan, what are we gonna do? I don't wanna die here." sambit ni Precious na ngayon ay nakayakap na sa braso ni Allan.

"Minsan naiisip ko, paano ka naging kaibigan namin, e, ang OA mo." sambit ni Rica.

"Nag-umpisa na naman kayo. Actually, Precious narinig ko kanina 'yong matandang kausap ni Rica at hindi totoong hindi na nakalabas ng gubat ang mga pumasok dito. Binibiro ka lang ni Rica." sambit ni Allan.

"Kainis ka." Sinamaan ng tingin ni Precious si Rica.

"Guys, may chimney rito, may mga kahoy rin. Sisindihan ko na 'to nang hindi tayo masyadong lamigin." sambit ni Jerson habang sinimulang magsiga.

"Ito siguro ang pamilya na naninirahan dito." sambit ni Andy habang nakatingin sa isang malaking litrato na nakasabit sa pader.

"Primera Family." Basa niya sa nakasulat sa ibabang parte ng litrato.

Agad nagsilapitan ang magkakaibigan at pinagmasdan ang painting. Apat ka-tao ang naroon sa painting. Ang mag-asawa at ang dalawa nitong anak. Isang binata at ang isang batang babae na nasa mga tatlong taong gulang.


"It so creepy 'yong mga titig niya, o, parang kakainin tayo ng buhay." Tukoy ni Precious sa padre de pamilya.


"Lahat na lang sa'yo creepy o scary." sambit ni Dexter sa kanyang tabi.


"Hindi naman, no, look at the guy. Ang handsome." Turo ni Precious sa binata na nakatayo sa likod ng mag-asawang Primera.


Nanlaki ang mata at nanayo ang balahibo ni Precious nang bigla siyang kinindatan siya ng binata na nasa litrato.


"OMG! Kinindatan niya ako." Nanginginig na nagtago si Precious sa likod ni Allan.


"Tinatakot mo lang ang sarili mo. Paano ka kikindatan n'yan, e, painting lang naman 'yan. Tingnan mo, o." Inaalog-alog pa ni Rica ang litrato para patunayan na hindi totoo ang nakita ni Precious.


Pero para kay Precious totoo ang nakita niya kanina. Kinindatan siya ng binatang nasa litrato.


"Tama na 'yan Rica baka mahulog mo pa 'yan sa kakaalog mo." sambit ni Dexter.


"Guys, tara libutin natin ang buong bahay tapos na rin naman tayong maghapunan." sambit ni Jerson na may bitbit na lampara.


---
Masayang naglilibot ang magkakaibigan hindi nila namalayan na nawawala na pala ang isa nilang kasama.


"Teka, nas'an si Dexter?" sambit ni Rica. Siya ang unang nakapansin na hindi na pala nakasunod sa kanila si Dexter.


"I told you already. May ghost dito gaya n'ong nakita ko kanina baka kinuha na si Dexter." Mas lalong isiniksik ni Precious ang kanyang sarili kay Allan.


"Walang multo rito. Nagtatago lang 'yong si Dexter. Mahilig namang matago 'yon. Magtago ng feelings." sambit ni Jerson at tiningnan si Rica na may nakakalokong ngiti.


---
"Guys, nas'an na kayo?" sambit ni Dexter.


Nalinga lang siya saglit nawala na ang mga kaibigan niya. Mabuti't dala may dala siyang ang flashlight at may magagamit siya pang ilaw. Binuhay niya ang flashlight niya at itinuon sa harap. Ngayon lang niya napansin na nasa isang kwarto pala siya. Sa tingin niya babae ang may ari ng kwarto dahil sa kulay pink na mga kurtina at sa gamit na naroon sa vanity mirror.


Napatigil si Dexter sa pagsuyod ng tingin sa buong kwarto nang makita niya si Rica sa harap niya.


"Saan ba kayo nagsususuot nalingat lang ako sandali nawala na kayo." sambit ni Dexter.


Iniisang hakbang ni Rica ang pagitan nila ni Dexter at bigla sinunggaban ng halik sa labi.


"Ano ba 'yang ginagawa mo, Rica?" sambit ni Dexter nang magkahiwalay ang kanilang mga labi. Matagal na niyang mahal si Rica at masaya siya sa ginawa ng babae pero alam niyang si Allan ang mahal nito kaya nakakapagtaka ang ginawa nito.


"Diba ito naman ang gusto mo? Ang masolo ako. Ano pang hinihintay mo?"


Nagulat si Dexter nang bigla siyang tinulak ni Rica sa kama at walang sabi-sabing naghubad sa harap niya. Inalis ni Dexter ang pagtataka sa kanyang isipan habang pinagmamasdan ang kahubdanan ni Rica.


"You have a beautiful body, my love." Nakangising sambit ni Dexter. Agad namang sumampa si Rica sa kama at kinababawan si Dexter.


Nagsimulang halikan ni Rica ang leeg ni Dexter habang ang kamay ng huli ay naglalakbay sa katawan ng babae.


"Mamamatay ka na." Bulong ni Rica.


Agad tinulak ni Dexter si Rica. Gan'on na lang ang pagkagulat niya na hindi na si Rica ang kaharap niya. Kundi isang babae na may hawak na patalim.


"Ikaw 'yong-" Hindi na natapos ni Dexter ang kanyang sasabihin nang sinaksak siya ng babae sa dibdib.


---
"Guys, hanapin na kaya natin si Dexter baka ano na nangyari d'on. May pagkalampa pa naman ang isang 'yon." Hindi na mapakali si Rica kanina pa sila natapos naikutin ang buong bahay hindi pa rin nagpapakita si Dexter. Kahit naman hindi sila masyadong close ng lalaki kaibigan niya pa rin ito.


"Maghiwalay-hiwalay tayo para madali nating makita si Dexter." sambit ni Allan.


"Akin si Precious. I mean sa akin sasama si Precious." Kinindatan ni Jerson si Precious na siyang ikinapula ng mukha nito.


Lihim na may gusto si Precious kay Jerson kaya lang natatakot siyang lumapit dito baka paglaruan din siya gaya ng mga naging babae nito.


"Sige, kayo dalawa sa akin sasama." Tukoy ni Allan kina Rica at Andy.


---
"Why are we here, Jerson? Wala naman si Dexter rito." Nakapamewang na sambit ni Precious.


Hinila kasi siya ni Jerson sa isang kwarto.


"'Wag mo munang isipin ang mga kaibigan natin. Ang isipin mo tayo. Malakas ang ulan sa labas at ang lamig baka may suggestion ka paano magpapainit ng katawan." sambit ni Jerson na may nakakalokong ngiti.


"Ano 'yang pinagsasabi mo? Kung ayaw mong maghanap, pwes ako, hahanapin ko si Dexter." Tatalikod na sana si Precious nang hawakan ni Jerson ang braso niya.


"Kunwari ka pa. Alam ko naman na may gusto ka sa akin at gusto mo akong masolo kaya ito solo na natin ang isa't isa." Biglang sinunggaban ni Jerson ang labi ni Precious na siyang ikinatigil ng huli.


Nang matauhan si Precious agad niyang tinulak at sinampal si Jerson.


"Oo may gusto ako sa'yo pero wala kang karapatan na gawin sa'kin 'to. Hindi ako tulad ng mga babae mo na agad bibigay sa'yo."


Umiiyak na lumabas si Precious sa kwarto.


---
"Aist! Napurnada pa ang plano ko." Padabog na naupo sa kama si Jerson.
"Ituloy natin ang plano mo."


Palinga-linga si Jerson paligid nang biglang may nagsalita pero wala siyang nakita kahit na sino. Siya lang mag-isa sa kwarto.


"Diba nilalamig ka. Bakit di natin painitin ang katawan mo."


Nanlaki ang mata at hindi makapagsalita si Jerson nang biglang lumitaw sa harap niya ang isang babae. Kailanman hindi siya takot sa multo dahil para sa kanya kathang isip lang 'yon ng mga mahihinang tao pero ngayon sa mismong harapan niya lumitaw ang isang napakagandang multo.


"O baka mas gusto mo lalo nating palamigin ang katawan mo."


Hindi na nakapag-react pa si Jerson nang bigla siyang sinaksak ng babae sa dibdib gaya nang pagkasaksak nito kay Dexter.


---
Hindi alam ni Precious kung saang parte ng bahay siya naroroon nang umalis at iwan si Jerson. Mabuti't dala niya ang cellphone na may flashlight kahit papano ay may nagamit siya dilim.


"Allan! Rica! Andy! Dexter! Saan na kayo, guys?"


Nanginginig sa takot si Precious nang walang isang sumagot sa mga kaibigan niya. Napaupo at niyakap niya ang sarili nang maalala ang nakita niya sa litrato kanina.


"Precious."


Nag-angat siya ng tingin at napasigaw nang mapag-sino ang nasa harap niya.
Ang binatang nasa litrato.


Agad siyang tumayo at tumakbo.


"'Wag d'yan!" sigaw ng binata.


Huli na. Nahulog na si Precious at natusok ang dibdib sa isang matulis na kahoy.


---
Napatingin si Rica kamay niyang hawak ni Allan. Hindi niya inaasahan na darating ang pagkakataon na 'to na makasama si Allan ng solo.


"Sandali, asan si Andy?" Nag-aalalang tanong ni Rica ngayon lang niya napansin na hindi na nila kasama si Andy.


"Nakasunod lang naman siya atin kanina. Hayaan muna hindi naman matatakutin si Andy at saka magkita-kita rin naman tayo mamaya sa sala."


Nawala na sa isip niya pag-aalala kay Andy. Hindi naman matatakutin at palaban ang kaibigan niyang 'yon.


"Ahm. Allan, may sasa-" Biglang tinakpan ni Allan ang bibig ni Rica nang may nakita siyang bulto ng isang tao at hindi ito isa sa mga kaibigan nila.


Nanlaki ang mga mata ni Rica nang humarap ito. Ito ang padre de pamilya ng nasa litrato. Nakasuot ito na parang magsasaka. Malalim at maitim ang mga mata. Balat na naaagnas. Bali ang kaliwang kamay at may hawak na itak sa kanang kamay. 
Agad inilagay ni Allan si Rica sa kanyang likod.

Iniisang hakbang lang ng padre de pamilya ang kinatatayuan ni Allan at Rica at pinagtataga sila. Hindi nakapaghanda si Allan kaya napuruhan ito. Nawala naman bigla ang padre de pamilya.

Umiiyak na inihiga ni Rica sa kanyang kandungan ang ulo ni Allan. May malay pa ito pero nahihirapan na itong huminga.


"Allan, 'wag mo naman akong iwan. Mahal na mahal kita."


Nanlaki ang mga mata ni Allan nang muling nagpakita ang padre de pamilya sa likod ni Rica nakataas ang itak nito. Gusto niyang sabihin kay Rica pero hindi niya magawang makapagsalita dahil sa dugong lumalabas sa bibig niya. Nakita na lang niya ang paglabas ng dugo sa bibig ni Rica bago ipinikit ang mga mata.


---
Hindi alam ni Andy kung saan siya papunta habang tumatakbo. Nakita niya sina Dexter, Jerson at Precious na wala ng buhay at parehong may saksak sa dibdib.


"Allan! Rica!"


Napaluhod at napahagulhol siya nang makitang wala na rin itong mga buhay at naliligo sa sarili nitong dugo.Hindi niya lubos maisip na ang masaya sana nilang camping na magkakaibigan nauwi sa ganitong pangyayari at hindi niya alam kung sino ang gumawa nito sa kanyang mga kaibigan.


Ang mga kaibigan na lang niya ang natitirang pamilya niya pero ngayon wala na nag-iisa na naman siya.


"Anak."


Nag-angat siya nang tingin nang maramdaman niyang may humahaplos sa buhok niya.
Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang tatlong tao na nakatayo sa harapan niya. Ito ang mga taong nasa litrato ang pamilyang Primera pero bakit tinawag siya na anak ng babae.


"Kami ang pamilya mo, Andy. Ikaw ang batang kandong ko rito." sambit ng babae.
Hindi napansin ni Andy na nasa sala na pala sila at nasa harap sila ng malaking litrato.


"Matagal ka na naming hinintay, anak ngayon ay magkakasama na tayo." sambit ng padre de pamilya.


At d'on nakaramdam si Andy na malamig na bagay na nakatusok sa dibdib niya.



-WAKAS-

x

Comments

Popular posts from this blog

THE FACE BEHIND THAT THICK GLASSES

Hera Magdayo. Labing pitong taong gulang at kasaluluyang nag-aaral sa isang prestihiyosong akademya sa lalagiwan ng Cebu bilang isang iskolar. Dalawa nalang sila ng nanay niya na magkasama sa buhay magmula no'ng iniwan sila ng tatay nito. Pangarap ni Hera na makapagtapos ng pag-aaral upang makahanap ng magandang trabaho at maiahon sa hirap ang buhay nilang mag-ina. "Nand'yan na si Nerdy Boy!" Sigaw nang isa nilang kaklase. Dali-dali namang nilang inihanda ang mga nilikot na papel na ibabato nila kay Lyle pagkapasok na pagkasok na nito. Sa isang tabi pinanood lang ni Hera ang mga kaklase sa ginagawa nilang pambabato kay Lyle. Gusto sana niyang tulungan si Lyle dahil naawa na siya rito   pero hindi siya makatayo sa kinauupuan niya nang pinanglakihan siya ng mata ng kapatid niya sa ama. Si Stella Garciano, ang pasimuno sa pambu-bully ng mga estudyante rito sa akademya. Hangga't maaari ayaw niyang magkagulo sila ni Stella alang-alang sa huling hiling ng kanilang

HANGGANG

"DAYA!Si Elle na naman ang nakasalo ng bouquet."   Napangiti nalang ako sa pagmamaktol ni Keshia sa isang tabi. Ako nga pala si Gabrielle Santos.Elle for short. Dalawangpu't walong taong gulang at nagtatrabaho sa di masyadong kalakihang accounting firm dito sa cebu. Kasalukuyan akong nandito sa kasal ng isa sa mga katrabaho't kaibigan ko. At ito nga ako ang nakasalo ng bouquet ng bride na siyang dahilan kung bakit nagmamaktol si Keshia. Hindi ko naman intensyon na saluhin tong bulaklak, kusa nalang umangat ang kamay ko para saluhin ito. Instinct kun baga. "Ayaw kong ako ang huling ikakasal atin eh."   Napatawa nalang ako ng tahimik ng makita kong nakanguso si Keshia sa kinauupuan namin. Pinaupo muna kasi kami ng host, ihahagis na ng groom yung garter, means yung mga lalaki na naman ang tatayo sa gitna tulad ng ginawa namin kanina. "Naniniwala ka na naman sa ganyang kasabihan. Eh, hindi naman yun totoo. Hindi pa naman kasal si Elle na lag