Skip to main content

Posts

PAMILYA PRIMERA

"Guys, are you sure na rito tayo magpapalipas ng gabi? It's creepy. I'm sure maraming ghost dito." Maarteng sambit ni Precious habang may hawak itong flashlight at nilibot ng tingin ang buong sala ng bahay. "Kung ayaw mo rito mag-isa ka sa labas 'wag kang hihingi ng tulong amin kapag tinangay ka ng hangin sa sobrang payat mo." Inis na sambit ni Rica. "Tama na 'yang bangayan n'yong dalawa dito na tayo magpapalipas ng gabi hanggang sa tumila ang malakas na ulan." sambit ni Allan at sinidihan ang lampara na nakita niya. Manghang-mangha ang magkakaibigan sa nakikita na unti-unting kumakalat ang liwanag sa kabahayan. Maliit tingnan ang bahay sa labas pero napakalawak sa loob. Maayos at malinis ang lahat ng gamitan, animo'y may regular na naglilinis dito pero wala naman dahil walang ng pumupunta sa lugar 'to. "Sigurado ba kayo wala talagang naninirahan dito? Baka makasuhan tayo ng tresspassing nito." sambit ni Dexte
Recent posts

TRUE LOVE FIRST KISS

"Ano Drea nagtext na ba sayo?" Iling lang ang tanging nasagot ko kay Sierra. Ika-tatlong taong anibersaryo namin ng boyfriend kong si Jude pero hanggang ngayon wala pa rin akong natatanggap na tawag o text na galing sa kanya. Dati rati, pagtungtong palang ng alas dose ng hating gabi ng ika-labing siyam ng hulyo binabati na niya agad ako pero ngayon matatapos nalang ang araw wala pa rin akong natatanggap na kahit text galing sa kanya. "Sabi ko naman kasi sayo may iba na yun. Ikaw lang naman tong si Tanga umaasa pa rin. Alam mo Drea pare-pareho lang ang mga lalaki. Manloloko."     Ani ni Mitsy habang naglalagay ng kolerete sa mukha. "Yan ka na naman Mitsy, eh. Imbes na pagaanin mo ang nararamdaman ng kaibigan natin ginagatungan mo pa." Ani ni Sierra. "Bakit sa mga sinabi mo ba gumagaan ang pakiramdam ni Drea? Alam mo Sierra pinapaasa mo lang yung tao. Bakit hindi nalang natin tanggapin ang katotohanan na may iba na ang hudyo na yun." Hind

HANGGANG

"DAYA!Si Elle na naman ang nakasalo ng bouquet."   Napangiti nalang ako sa pagmamaktol ni Keshia sa isang tabi. Ako nga pala si Gabrielle Santos.Elle for short. Dalawangpu't walong taong gulang at nagtatrabaho sa di masyadong kalakihang accounting firm dito sa cebu. Kasalukuyan akong nandito sa kasal ng isa sa mga katrabaho't kaibigan ko. At ito nga ako ang nakasalo ng bouquet ng bride na siyang dahilan kung bakit nagmamaktol si Keshia. Hindi ko naman intensyon na saluhin tong bulaklak, kusa nalang umangat ang kamay ko para saluhin ito. Instinct kun baga. "Ayaw kong ako ang huling ikakasal atin eh."   Napatawa nalang ako ng tahimik ng makita kong nakanguso si Keshia sa kinauupuan namin. Pinaupo muna kasi kami ng host, ihahagis na ng groom yung garter, means yung mga lalaki na naman ang tatayo sa gitna tulad ng ginawa namin kanina. "Naniniwala ka na naman sa ganyang kasabihan. Eh, hindi naman yun totoo. Hindi pa naman kasal si Elle na lag